Aso, Sugatan Matapos Umanong Tusukin ng Panlansi o Panghuli ng Isda

Nov 9, 2026, 4:47 PM

Aso, Sugatan Matapos Umanong Tusukin ng Panlansi o Panghuli ng Isda ​CALABANGA, Camarines Sur — Sugatan ang isang aso na pinangalanang si Rubble matapos umanong tusukin gamit ang isang kagamitang panghuli ng isda sa isang insidente kamakailan. ​Ayon sa may-ari ng aso, kusa nang natanggal ang nakatusok na bagay at maswerteng hindi naman ganoon kalalim ang naging sugat ni Rubble. Gayunpaman, batay sa nakarating na impormasyon sa pamilya, may hinala silang posibleng balak itong katayin subalit mapalad na nakatakas ang aso. ​Sa ngayon, binigyan na si Rubble ng kinakailangang antibiotics at bitamina, at patuloy ding inoobserbahan habang nagpapagaling sa kaniyang mga sugat. ​Nanawagan naman ang may-ari ng agarang tulong sa publiko at hiniling na i-report kaagad sa mga kinauukulan ang sinumang may nalalamang impormasyon o nakasaksi sa insidente upang mabigyang-aksyon ang nangyari. ​📷 | Pawee H.
View original post