PROBLEMA SA PAGDAMI NG LANGAW SA BARANGAY DEL ROSARIO, PILI, INAKSYUNAN NA NG LOKAL NA PAMAHALAAN
Nov 9, 2026, 9:04 AM

PROBLEMA SA PAGDAMI NG LANGAW SA BARANGAY DEL ROSARIO, PILI, INAKSYUNAN NA NG LOKAL NA PAMAHALAAN
Agad na ipinatawag ni Mayor Marivic B. Solano ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Rural Health Unit (RHU) Sanitation Team, mga opisyal ng Barangay Del Rosario, at mga kinatawan ng poultry farms upang magsagawa ng inspeksyon. Layunin nitong alamin ang posibleng dahilan ng biglang pagdami ng langaw sa lugar at mga karatig-komunidad.
Batay sa paunang impormasyon, posibleng may kaugnayan ang isyu sa kamakailang pag-aani o harvesting sa mga poultry farm. Napansin din sa isinagawang inspeksyon ang mga tambak ng sako na may lamang dumi ng manok sa paligid ng mga pasilidad.
Bilang agarang hakbang, inirekomenda ng MENRO at RHU Sanitation Team ang tamang pagtatapon ng mga basura at dumi ng manok. Ipinag-utos din ang pagsasagawa ng pag-isprey o spraying sa mga apektadong lugar ngayong tapos na ang aktibidad ng harvesting.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na patuloy nitong tutugunan ang mga reklamong nakakaapekto sa kalusugan at kapakanan ng mga residente.
Photo Courtesy: ENOT PILI
View original post