Lolo sa Albay, muntik mabiktima ng kidnapping scam ng 'AI' girlfriend
Nov 7, 2026, 1:03 PM

Lolo sa Albay, muntik mabiktima ng kidnapping scam ng 'AI' girlfriend
Muntik makuhanan ng P20,000 ransom ang isang 65-anyos na lalaki mula Pio Duran, Albay matapos umanong dukutin ang kanyang online girlfriend habang papunta sa Bicol upang magkita sila.
Mabilis na rumesponde ang Pio Duran PNP at natuklasang scam ang insidente. Lumabas sa imbestigasyon na gumamit lamang ng pekeng identity at AI-generated photos ang sinasabing karelasyon.
Ayon sa pulisya, nakapagpadala na ng kabuuang P30,000 ang biktima para sa load, bills, at tuition sa loob ng isang taon nilang ugnayan bago mangyari ang pekeng kidnapping. Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang scammer.
View original post