20-anyos na lalaking hindi sinipot ng kasintahan, sinagip matapos tangkaing saktan ang sarili sa Magarao
Nov 6, 2026, 5:10 PM
20-anyos na lalaking hindi sinipot ng kasintahan, sinagip matapos tangkaing saktan ang sarili sa Magarao
MAGARAO, CAMARINES SUR — Isang 20-anyos na lalaki mula sa bayan ng Nabua ang sinagip ng kapulisan matapos umano nitong tangkaing saktan ang kaniyang sarili sa Plaza ng Magarao.
Ayon sa ulat, dumayo pa ang binata sa nasabing bayan upang makipagkita sana sa kaniyang kasintahan. Ngunit nauwi sa labis na pagkadismaya at hinanakit ang kaniyang pagpunta matapos siyang hindi siputin nito.
Dahil sa matinding pagkabigo, nagtangka ang lalaking saktan ang kaniyang sarili. Maswerte namang agad na nakatanggap ng ulat ang lokal na pulisya at mabilis na rumesponde sa plaza kung saan natagpuan at nailigtas ang binata.
Pinayuhan naman ng mga awtoridad ang publiko na patuloy na maging mapagmatyag at magbigay ng suporta sa mga taong dumaranas ng matinding kalungkutan.
View original post