TINGNAN | Patay na dolphin, natagpuan sa dalampasigan ng Matnog, Sorsogon

Nov 6, 2026, 4:54 PM

TINGNAN | Patay na dolphin, natagpuan sa dalampasigan ng Matnog, Sorsogon ​Isang walang buhay na dolphin ang natagpuan ng mga residente sa baybayin ng Barangay Banuang-daan sa bayan ng Matnog ngayong tanghali ng Biyernes, Nobyembre 6, 2026. ​Agad na nakipag-ugnayan ang mga opisyal ng barangay sa mga awtoridad upang masuri ang naturang hayop. Pinangunahan naman ni Municipal Agriculturist Engr. Emmanuel De Guzman ang isinagawang aktwal na pagsusuri sa lugar . ​Patuloy pang inaalam sa ngayon ang posibleng dahilan ng pagkakapadpad at pagkamatay ng dolphin. Ipinag-utos na rin ang agarang paglibing nito matapos ang kaukulang inspeksyon.
View original post