Wanted sa kasong 'Acts of Lasciviousness', arestado ng mga awtoridad sa Calabanga

Nov 6, 2026, 1:02 PM

Wanted sa kasong 'Acts of Lasciviousness', arestado ng mga awtoridad sa Calabanga CALABANGA, CAMARINES SUR — Tiklo ang isang lalaking pinaghahanap ng batas matapos isilbi ng mga tauhan ng Calabanga Municipal Police Station (MPS) ang warrant of arrest laban dito sa isinagawang "Manhunt Charlie Operation" sa Barangay Salvacion Baybay nitong Miyerkules, Nobyembre 4, 2026. Sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Rodolfo Z. Borromeo, hepe ng Calabanga MPS, matagumpay na nadakip ang suspek bandang alas-11:00 ng umaga. Nahaharap ang hindi na pinangalanang lalaki sa kasong "Acts of Lasciviousness" sa ilalim ng Criminal Case No. 26-1789. Ang nasabing arrest warrant ay inilabas ng Municipal Trial Court ng Calabanga noong pang Oktubre 30, 2025. Nagtakda naman ang korte ng piyansang nagkakahalaga ng Php 36,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. Agad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga Miranda Rights alinsunod sa batas. Kasalukuyan siyang nakakulong at nasa kustodiya na ng Calabanga MPS para sa mga kaukulang proseso. Sa pagtatapos ng operasyon, nagpaabot ng panawagan ang Calabanga PNP sa mga residente na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad at ireport ang anumang kahina-hinalang gawain upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa bayan.
View original post