Oil Spill sa Mariveles, Bataan, Agarang Nirespondehan ng PCG
Nov 6, 2026, 11:42 AM

Oil Spill sa Mariveles, Bataan, Agarang Nirespondehan ng PCG
Nagsagawa ng agarang cleanup operation ang Philippine Coast Guard (PCG) matapos tumagas ang aabot sa 25 litro ng used oil na nakaapekto sa 500 metro kuwadradong lawak ng karagatan sa Sitio Naswe, Barangay Ipag, Mariveles, Bataan nitong Huwebes, Nobyembre 5.
Upang mapigilan ang tuluyang pagkalat ng langis, mabilis na naglatag ang PCG ng mga oil spill boom sa apektadong baybayin. Nag-deploy din ang pangkat ng pitong absorbent boom at 2,200 absorbent pad upang simutin ang nakakalasong kemikal.
Magpapatuloy ang puspusang paglilinis ng mga awtoridad sa lugar ngayong Biyernes, Nobyembre 6.
šø: Philippine Coast Guard (PCG)
View original post