LIMA, ARESTADO SA ILEGAL NA TUPADA SA BULA, CAMARINES SUR
Nov 5, 2026, 11:52 AM

LIMA, ARESTADO SA ILEGAL NA TUPADA SA BULA, CAMARINES SUR
BULA, CAMARINES SUR — Bagsak sa kalaboso ang limang indibidwal matapos mahuli sa aktong nagsasagawa ng ilegal na tupada sa Barangay Bagoladio sa bayang ito, bandang alas-5:20 ng hapon nitong Nobyembre 4, 2026.
Naaresto ang mga suspek sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng Bula Municipal Police Station (MPS), sa pamumuno ni Acting Chief of Police (ACOP) PCapt. Junel S.B. Cea. Dito naabutan ng mga awtoridad ang grupo na abala sa pagtataya sa nasabing ilegal na sabong.
Ayon sa pulisya, ang mga inaresto ay pawang mga residente ng Brgy. Bagoladio at mga karatig-lugar sa Bula.
Kasalukuyan na silang nasa kustodiya ng mga awtoridad at inihahanda na ang kasong paglabag sa Presidential Decree No. 449 (Cockfighting Law of 1974) at Presidential Decree No. 1602 (Anti-Illegal Gambling) laban sa kanila.
📸 Kuha ni: Tere Iraola
View original post