DALAWA PATAY, ISA PA NAWAWALA SA PAGKALUNOD SA STA. MAGDALENA, SORSOGON

Nov 4, 2026, 4:27 PM

DALAWA PATAY, ISA PA NAWAWALA SA PAGKALUNOD SA STA. MAGDALENA, SORSOGON STA. MAGDALENA, SORSOGON — Nasawi ang dalawang indibidwal habang patuloy namang pinaghahanap ang isa pa matapos silang malunod sa Marhay Beach Resort, Barangay San Rafael, bandang alas-9:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Nobyembre 4. Batay sa paunang imbestigasyon ng Sta. Magdalena Municipal Police Station, naliligo sa dagat ang mga biktima kasama ang iba pang indibidwal nang bigla silang tangayin ng malalakas na alon at agos. Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) katuwang ang mga boluntaryong sibilyan upang sagipin ang mga nalunod. Narekober ang dalawang biktima, subalit kapwa idineklara ang mga itong dead on arrival ng attending physician sa Matnog Medicare Hospital. Sa ngayon, patuloy ang joint search and rescue operation ng lokal na pulisya, BFP, at Philippine Coast Guard (PCG) upang matagpuan ang ikatlong biktima na nawawala pa rin.
View original post