⚠️ WARNING: SENSITIVE NEWS

Nov 4, 2026, 4:22 PM

⚠️ WARNING: SENSITIVE NEWS BREAKING NEWS: Pulis, nagbaril umano sa sarili sa Matnog, Sorsogon MATNOG, SORSOGON — Isang miyembro ng pulisya ang umano’y nagbaril sa sarili nitong umaga ng Miyerkules, Nobyembre 4, sa bayan ng Matnog. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang insidente at hinihintay pa ang opisyal na pahayag ng Philippine National Police (PNP) upang kumpirmahin ang buong detalye sa likod ng pangyayari. (Ito ay isang developing story. Patuloy na susubaybayan ng Oragon news Online ang mga susunod na ulat kaugnay nito.) PAALALA: Kung ikaw o may kilala kang nakakaranas ng matinding kalungkutan o krisis sa pag-iisip, maaari kang tumawag sa National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline sa 1553 (Luzon-wide landline toll-free), 0917-899-USAP (8727), o 0908-639-2672.
View original post