Naglabas ng CCTV footage ang BJMP upang pabulaanan ang mga isyung palihim na nakakalabas ng Quezon City Jail si datin...
Nov 4, 2026, 4:19 PM
Naglabas ng CCTV footage ang BJMP upang pabulaanan ang mga isyung palihim na nakakalabas ng Quezon City Jail si dating House Speaker Martin Romualdez gamit ang isang ambulansya.
Ayon sa imbestigasyong ipinag-utos ni BJMP Chief Efren Nemeño noong Nobyembre 3, makikita sa video si Romualdez sa loob ng pasilidad na suot ang kanyang PDL uniform, at napatunayang walang nangyaring pagkawala ng kuryente o pagkaputol ng CCTV recording upang pagtakpan ang umano'y paglabas-pasok nito.
View original post