DRIVER, NAKATULOG HABANG NAGMAMANEHO; KOTSE, NAHULOG SA CREEK SA MILAOR
Nov 4, 2026, 12:06 PM

DRIVER, NAKATULOG HABANG NAGMAMANEHO; KOTSE, NAHULOG SA CREEK SA MILAOR
MILAOR, CAMARINES SUR — Isang sasakyan ang tuluyang nahulog sa isang creek sa Barangay Flordeliz kaninang alas-10:35 ng umaga, Nobyembre 4, 2026, matapos umanong makatulog ang driver nito.
Ayon sa paunang ulat, nawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamaneho na naging dahilan ng pagbulusok ng kotse. Kasama ng driver sa loob ng sasakyan ang kanyang manugang, at pareho silang mabilis na nailigtas sa tulong ng mga nagmalasakit na motorista.
Nagtamo lamang ng bahagyang galos ang driver. Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Milaor Municipal Police Station hinggil sa insidente.
View original post