60-Anyos na Lalaki, Arestado sa Drug Buy-Bust sa Calabanga

Nov 3, 2026, 12:02 PM

60-Anyos na Lalaki, Arestado sa Drug Buy-Bust sa Calabanga Arestado ang isang 60-anyos na lalaki matapos mahulihan ng diumano’y shabu sa ikinasang drug buy-bust operation ng Calabanga Municipal Police Station sa Barangay Paolbo, Calabanga, Camarines Sur noong gabi ng Nobyembre 2, 2026. Kinilala ang suspek sa alyas na “ILO”, isang construction worker at residente ng nasabing lugar. Narekober mula sa kaniya ang kabuuang apat (4) na sachet ng hinihinalang ilegal na droga matapos siyang magbenta sa nagpanggap na buyer. Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Calabanga MPS at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
View original post