Atty. Noreen San Luis, Lilipat sa LTO Mula Naga LGU

Nov 3, 2026, 11:38 AM

Atty. Noreen San Luis, Lilipat sa LTO Mula Naga LGU Kinumpirma ni Naga City Mayor Leni Robredo ang bagong assignment ng City Administrator ng Naga na si Atty. Noreen San Luis sa Land Transportation Office (LTO). Ayon sa alkalde, personal na hiningi at ipinaalam ni Transportation Secretary Vince Dizon ang paglipat ni San Luis sa kanyang kamakailang pagbisita sa lungsod. Wala pang opisyal na anunsyo ukol sa eksaktong posisyon ni San Luis, ngunit napaulat na papalitan nito si Assistant Secretary Markus V. Lacanilao. Bago nagsilbi sa Naga LGU, naging Regional Director na rin si San Luis ng LTO sa Bicol Region.
View original post