76-Anyos, Patay sa Pananaga ng Sariling Kapatid sa Camarines Sur

Nov 2, 2026, 9:34 PM

76-Anyos, Patay sa Pananaga ng Sariling Kapatid sa Camarines Sur SAN FERNANDO, Camarines Sur — Arestado ang isang 74-anyos na lalaki matapos nitong tagain at mapatay ang kanyang 76-anyos na kapatid sa Barangay Buenavista, San Fernando, Camarines Sur noong Nobyembre 2. Isinuko ng mga opisyal at tanod ng barangay ang suspek sa San Fernando Municipal Police Station, kung saan ito kasalukuyang nakakulong. Patuloy ang imbestigasyon at pagproseso ng pulisya sa lugar ng pinangyarihan upang matukoy ang buong detalye at motibo sa nangyaring krimen.
View original post