Tangkang Pagnanakaw ng Panabong na Manok sa Albay, Naudlot sa Tahol ng mga Aso
Nov 2, 2026, 12:15 PM
Tangkang Pagnanakaw ng Panabong na Manok sa Albay, Naudlot sa Tahol ng mga Aso
DARAGA, ALBAY — Nauwi sa wala ang tangkang pagnanakaw ng panabong na manok ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Barangay Tabon-Tabon, Daraga, Albay, bandang alas-7:00 ng gabi nitong Linggo, Nobyembre 1, 2026.
Batay sa video footage na ibinahagi ng netizen na si Tata Miyo, makikita ang lihim na pagpasok ng suspek sa isang gamefowl farm at ang pagtatangka nitong kumuha ng mga alagang manok.
Subalit agad ding napaatras at tumakbo palayo ang suspek nang magsimulang mag-ingay at tumahol ang mga aso sa lugar.
Nanawagan ngayon ang uploader sa publiko na makipag-ugnayan sakaling may nakakakilala sa lalaki upang matukoy ang pagkakakilanlan nito.
Samantala, lumalabas na hindi pormal na naisangguni sa Daraga Municipal Police Station (MPS) ang insidente. Dahil dito, muling pinaalalahanan ng kapulisan ang publiko na agad ireport sa kanilang tanggapan ang anumang katulad na kaganapan upang mabilis na maaksyunan.
Video: Tata Miyo
View original post