KAPAMILYA AT FANS, NAGLULUKSA: KOMEDYANTENG SI ATE GAY, SUMAKABILANG-BUHAY NA SA EDAD NA 55
Nov 2, 2026, 10:10 AM

KAPAMILYA AT FANS, NAGLULUKSA: KOMEDYANTENG SI ATE GAY, SUMAKABILANG-BUHAY NA SA EDAD NA 55
Pumawaw na ang isa sa mga pinakasikat na komedyante at impersonator sa bansa na si Gil Aducal Morales, na mas kilala sa kanyang stage name na "Ate Gay". Siya ay pumanaw noong Linggo, Nobyembre 1, 2026, sa edad na 55.
Kumpirmado ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang pahayag na inilabas ng kanyang pamilya sa kanyang opisyal na Facebook page. Pumanaw si Ate Gay nang may kapayapaan habang nakapaligid ang kanyang mga mahal sa buhay matapos ang pakikipaglaban sa kanyang karamdaman.
"During this difficult time, our family would like to express our deepest gratitude to everyone who extended their prayers, love, financial assistance, and unwavering support throughout his battle. Your kindness and generosity have meant so much to our family," pahayag ng pamilya.
Ipinanawagan din ng pamilya ang patuloy na panalangin para sa ikatatahimik ng kanyang kaluluwa at para sa lakas ng loob ng mga naulila.
Naging kilala si Ate Gay sa kanyang natatanging impersonasyon sa Superstar na si Nora Aunor at sa kanyang mga iconic na "mashup songs" na naghatid ng halakhak sa maraming Pilipino sa loob ng ilang dekada.
Wala pang inilalabas na pinal na detalye ang pamilya kaugnay ng kanyang burol at libing, ngunit inihayag na iaanunsyo rin ito sa mga susunod na araw.
View original post