MAUSOLEUM SA NAGA CITY, GINAWANG SUNUGAN NG BASURA AT WIRE NGAYONG UNDAS

Nov 1, 2026, 10:49 AM

MAUSOLEUM SA NAGA CITY, GINAWANG SUNUGAN NG BASURA AT WIRE NGAYONG UNDAS ​Dismaya at galit ang nadama ng pamilya ng mga nagdalaw ngayong Undas matapos madatnan na ginawang pugon at pagsusunugan ng basura at wire ang isang mausoleum sa Naga City Public Cemetery sa Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City. ​Dahil sa insidente, umapela ang mga nagreklamo sa pamunuan ng sementeryo at sa lokal na pamahalaan na paigtingin ang seguridad sa pasilidad upang maiwasan ang kaparehong pambaboy at ilegal na gawain sa loob ng sementeryo
View original post