Pampasaherong Jeep Mula Naga City, Naaksidente sa Tinambac; Ilang Pasahero, Malubhang Nasugatan

Oct 31, 2026, 3:49 PM

Pampasaherong Jeep Mula Naga City, Naaksidente sa Tinambac; Ilang Pasahero, Malubhang Nasugatan ​TINAMBAC, CAMARINES SUR — Ilang pasahero ang malubhang nasugatan matapos maaksidente ang isang pampasaherong jeep sa Pasusuhan Bridge, Barangay Binalay, Tinambac, Camarines Sur ngayong hapon. ​Bumiyahe ang nasabing jeep mula sa Lungsod ng Naga at patungo sanang Siruma nang maganap ang insidente sa naturang tulay. Agad na nilapatan ng paunang lunas at dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga nasugatang pasahero. ​Kasalukuyan nang inaalam ng mga awtoridad ang eksaktong sanhi ng aksidente pati na rin ang kabuuang bilang ng mga biktimang naapektuhan. ​📷: Bikolanang Agta
View original post