LGU NAGA, NAGPAALALA NG MGA ALITUNTUNIN SA MGA SEMENTERYO NGAYONG UNDAS 2026
Oct 30, 2026, 5:43 PM

LGU NAGA, NAGPAALALA NG MGA ALITUNTUNIN SA MGA SEMENTERYO NGAYONG UNDAS 2026
NAGA CITY — Handa na ang mga sementeryo sa Lungsod ng Naga para sa paggunita ng Undas 2026. Naglagay ang lokal na pamahalaan ng mga designated walkway, urinals para sa kalalakihan at kababaihan, mga basurahan, at nakatakdang lugar para sa mga nagtitinda ng bulaklak at kandila.
Kasabay nito, nanawagan ang LGU sa publiko na panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga sumusunod:
* Maglakad sa mga itinalagang walkway
* Umihi lamang sa mga inihandang urinal at huwag sa gilid-gilid
* Itapon ang basura sa tamang basurahan
* Magtinda lamang sa mga nakalaang puwesto
Courtesy: Noreen San Luis
#Undas2026 #NagaCity #NagaNews #LGUNaga #UndasSafety
View original post