SOLAR-POWERED WATER FACILITY NA MAY 4,000-LITER CAPACITY, ITINAYO SA BARANGAY SABANG NG WAVES FOR WATER AT ANGAT BUHAY
Oct 27, 2026, 6:56 AM

SOLAR-POWERED WATER FACILITY NA MAY 4,000-LITER CAPACITY, ITINAYO SA BARANGAY SABANG NG WAVES FOR WATER AT ANGAT BUHAY
Isang malaking ginhawa sa suplay ng tubig ang naipatayo sa Barangay Sabang matapos ilunsad ang isang 4,000-liter capacity Rainwater Catchment Facility sa pakikipagtulungan ng organisasyong Waves for Water at ng Angat Buhay Foundation.
Pinangunahan ni Waves for Water Country Director Patrick Manuel at ng kanyang koponan ang pagpapatayo ng nasabing pasilidad na naglalayong magbigay ng maaasahang pagkukunan ng tubig sa mga residenteng madalas naapektuhan ng kawalan ng suplay nito.
Bukod sa tubig-ulan, maaari ring maging alternatibong pagkukunan ng suplay sa pasilidad ang jetmatic o deep well, at hiwalay ito sa pangunahing linya ng Nawasa.
Upang mas maging madali at magaan ang pagkuha ng tubig para sa komunidad, nilagyan din ang proyekto ng solar-powered electric pump. Sa tulong nito, hindi na kakailanganin ng mga residenteng magbuhos ng labis na lakas sa manu-manong pagsakdo ng tubig.
Pinasalamatan ng local community ang Waves for Water at Angat Buhay sa mahalagang proyektong ito na malaking tulong sa pang-araw-araw na pangangailangan sa malinis na tubig ng mga mamamayan sa Barangay Sabang.
#BarangaySabang #WavesForWater #AngatBuhay #CleanWaterForAll #SolarEnergy #CommunityDevelopment #WaterAccess
View original post