Early voting hours para sa Seniors, PWDs, at mga Buntis, itinakda sa Naga City Plebiscite

Oct 26, 2026, 8:18 PM

Early voting hours para sa Seniors, PWDs, at mga Buntis, itinakda sa Naga City Plebiscite ​NAGA CITY — Mauunang makakaboto ang mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), at mga buntis sa nakatakdang plebisito sa Naga City sa Nobyembre 21. ​Ito ay matapos magpatupad ang Commission on Elections (COMELEC) ng early voting hours mula 5:00 AM hanggang 7:00 AM upang maging mas mabilis, ligtas, at komportableng makaboto ang mga nakatatanda at vulnerable sectors. ​Ayon kay Atty. Maico Julia Jr., Election Officer ng COMELEC-Naga City, mahalagang mabigyan ng maagang pagkakataon ang mga senior citizen, PWD, at nagdadalang-tao bago pa magsimula ang dagsa ng mga tao sa mga presinto. ​Samantala, ang regular na oras ng pagboto para sa pangkalahatang publiko ay magsisimula sa ganap na 7:00 AM hanggang 3:00 PM. ​Isasagawa ang plebisito upang pagpasyahan ng mga kuwalipikadong botante kung ratipikado ang pagiging Highly Urbanized City (HUC) ng Naga City. Hinihikayat ang lahat ng rehistradong botante na alamin ang mga panuntunan at sukatin ang halaga ng bawat boto sa paghubog sa kinabukasan ng lungsod.
View original post