DPWH Sec. Vince Dizon, Dumating sa Daraga, Albay Para Inspeksyunin ang Kilicao–Binitayan Bridge

Oct 26, 2026, 9:16 AM

DPWH Sec. Vince Dizon, Dumating sa Daraga, Albay Para Inspeksyunin ang Kilicao–Binitayan Bridge DARAGA, ALBAY — Personal na ininspeksyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang itinatayong Kilicao–Binitayan Bridge sa bayan ng Daraga ngayong umaga, Oktubre 26, 2026. Kasama ng kalihim sa naturang inspeksyon sina Albay Governor Noel Rosal, 2nd District Representative Caloy Loria, at iba pang mga lokal na opisyal ng lalawigan. Nabatid na nasa humigit-kumulang 90% na ang completion rate ng nasabing proyekto, na inaasahang makatutulong nang malaki sa pagpapadali ng biyahe at transportasyon sa lugar kapag pormal nang nabuksan sa publiko. 📷 Photo Courtesy: BNFM Legazpi #DPWH #Albay #DaragaAlbay #KilicaoBinitayanBridge #BuildBuildBuild #InfrastructurePh #BNFMLegazpi #NewsUpdate
View original post