3 HIGH-VALUE TARGETS, BAGSAK SA BUY-BUST SA MERCEDES; ₱81.6K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM
Oct 25, 2026, 6:36 PM

3 HIGH-VALUE TARGETS, BAGSAK SA BUY-BUST SA MERCEDES; ₱81.6K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM
MERCEDES, CAMARINES NORTE — Arestado ang tatlong indibidwal na kabilang sa talaan ng High-Value Targets (HVTs) matapos ang matagumpay na buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Norte at Mercedes Municipal Police Station sa bayang ito.
Nasamsam mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 12 gramo ng hinihinalang shabu na may Dangerous Drugs Board (DDB) value na ₱81,600 (tinatayang ₱43,200 sa street value), kasama ang iba't ibang drug paraphernalia at boodle money na ginamit sa operasyon.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng PDEA Camarines Norte ang mga nakumpiskang ebidensiya at ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila para sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
#MercedesCamarinesNorte #PDEACamarinesNorte #CamNorteNews #BuyBustOperation #WarOnDrugs #NewsUpdate
View original post