LIMA KUMPIRMADONG PATAY SA MATINDING SUNOG SA SORSOGON CITY PUBLIC MARKET

Oct 25, 2026, 9:16 AM

LIMA KUMPIRMADONG PATAY SA MATINDING SUNOG SA SORSOGON CITY PUBLIC MARKET Umakyat na sa limang (5) katao ang kumpirmadong nasawi matapos lamunin ng matinding sunog ang Sorsogon City Public Market, na tuluyang naapula nitong madaling-araw matapos ang ilang oras na pakikipagbuno ng mga bumbero. Maraming negosyante at nagtitinda ang nanlumo dahil sa tuluyang pagkatupok ng kanilang mga kabuhayan. Agad namang nag-inspeksyon si Governor Boboy Hamor at nag-utos na maglaan ng pansamantalang pwesto para sa mga apektadong vendor sa kahabaan ng Sorsogon City Coastal Road. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang matukoy ang sanhi ng insidente at ang kabuuang halaga ng napinsalang ari-arian. #SorsogonFire #SorsogonCity #PublicMarketSunog #BFP #BalitangLokal
View original post