TANGKANG PAMBUBUDOL SA SENIOR CITIZEN SA BAAO, INIIMBESTIGAHAN NA NG PNP
Oct 25, 2026, 9:06 AM

TANGKANG PAMBUBUDOL SA SENIOR CITIZEN SA BAAO, INIIMBESTIGAHAN NA NG PNP
Patuloy ang imbestigasyon ng Baao Municipal Police Station, sa pamumuno ni PMAJ John Michael P. Miraflor, sa umanoy tangkang pambubudol sa isang 72-anyos na senior citizen sa Barangay Sta. Cruz, Baao, Camarines Sur.
Batay sa ulat, dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal ang nagpanggap na tauhan ng DSWD at nangako ng ₱210,000 na tulong-pinansyal sa biktima. Walang nanakaw na pera o gamit matapos agad na tumakas ang mga suspek nang mapansin ang CCTV camera sa loob ng bahay.
Nagpaalala ang Baao MPS sa publiko, lalo na sa mga senior citizen, na huwag magpapasok ng hindi kilalang tao at beripikahin muna sa mga opisyal na tanggapan ang anumang alok na tulong. Sa anumang impormasyon o kaduda-dudang gawain, makipag-ugnayan agad sa Baao MPS Hotline (0929-108-4883) o sa 911.
#BaaoPNP #BudolAlert #CamarinesSur #DSWDScamWarning #LigtasKomunidad
View original post