SHOT PONO!!

Oct 14, 2026, 1:37 PM

SHOT PONO!! DSWD Sec. Gatchalian, nag-taste test ng tubig mula sa baldeng may filter Ipinakita ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang paglalagay ng water filtration system sa ordinaryong balde bilang paghahanda sa banta ng Super El Niño. Kasama si Palace Press Officer Claire Castro, uminom sila mula dito upang patunayang ligtas ang tubig. Ayon sa kalihim, matagal na itong ipinamimigay ng ahensya sa mga biktima ng sakuna. Matatandaang binatikos ang naging payo noon ni Pangulong Marcos Jr. na mag-ipon ng tubig sa balde dahil sa paparating na El Niño. (📷: Screenshot/RTVM) #DSWD #ElNiñoPH #WaterFiltration #RexGatchalian #ElNiñoPrep
View original post