HUSTISYA PARA KAY CLAUDE: 4-Taong-Gulang na Bata, Pumanaw Matapos Turukan ng Pampatulog sa PGH

Oct 13, 2026, 4:45 PM

HUSTISYA PARA KAY CLAUDE: 4-Taong-Gulang na Bata, Pumanaw Matapos Turukan ng Pampatulog sa PGH Humihingi ng katarungan ang pamilya Seasol mula sa Gen. Trias, Cavite, matapos masawi ang kanilang apat na taong gulang na anak na si Claude Lenuxe sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa umanong epekto ng gamot pampatulog para sa isang CT scan. * Ang Insidente: Noong Setyembre 28, tinurukan ng pampatulog si Claude, na may autism. Dinagdagan pa umano ang dosis nang mapansing gumagalaw pa ito. Tiniyak ng doktor na ligtas ang dami ng gamot, ngunit hindi na nagising ang bata pagkatapos ng scan at napansing nangingitim na ang mga kuko. * Sanhi ng Kamatayan: Matapos ang pitong oras na pag-revive, idineklara siyang patay. Nakasaad sa death certificate na ang sanhi ay pulmonary edema at adverse drug event na posibleng dulot ng sedation. * Reklamo ng Pamilya: Bukod sa epekto ng gamot, inirereklamo rin ng pamilya ang depektibong kagamitan sa ospital, partikular ang tila pinagtagpi-tagping hose ng ginamit na oxygen tank. * Ligal na Hakbang: Kumokonsulta na sa abogado ang mga magulang na sina Cris at Cresencia upang pag-aralan ang pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot. #JusticeForClaude #PGH #MedicalNegligence #BalitangLokal #Cavite
View original post