Nakatulog sa Manibela: Aktor na si Wowie De Guzman, Sugatan Matapos Bumangga ang Kotse sa Batangas

Oct 13, 2026, 1:01 PM

Nakatulog sa Manibela: Aktor na si Wowie De Guzman, Sugatan Matapos Bumangga ang Kotse sa Batangas STO. TOMAS CITY, BATANGAS — Nagtamo ng bahagyang sugat ang aktor na si Wowie De Guzman matapos bumangga ang minamaneho nitong pulang kotse sa isang concrete barrier sa Maharlika Highway, Brgy. San Bartolome, madaling araw ngayong Martes, Oktubre 13. Ayon kay PLtCol. Marlon Cabataña, hepe ng Sto. Tomas City Police, inamin mismo ng aktor na nakatulog siya habang nagmamaneho. Napag-alaman na pauwi na ang aktor mula sa isang show sa Guinayangan, Quezon nang mangyari ang insidente. Ligtas naman at patuloy na nagpapagaling ang aktor. #WowieDeGuzman #Aksidente #StoTomasBatangas #MaharlikaHighway #NewsPH #BalitaPH
View original post