LALAKI, NATAGPUANG PATAY AT MAY MGA TAMA NG BARIL SA RAGAY, CAMARINES SUR
Oct 12, 2026, 7:20 PM

LALAKI, NATAGPUANG PATAY AT MAY MGA TAMA NG BARIL SA RAGAY, CAMARINES SUR
Patuloy ang imbestigasyon ng Ragay Municipal Police Station (MPS) kaugnay sa pagkakatuklas sa bangkay ng isang lalaki sa gilid ng kalsada sa Barangay Liboro, Ragay, Camarines Sur dakong alas-3:50 ng hapon noong Oktubre 11.
Batay sa ulat ng pulisya, nagtamo ng mga tama ng baril ang biktima. Nakarekober din ang mga awtoridad ng apat na basyo ng bala mula sa pinangyarihan ng krimen.
Inaalam pa sa ngayon ang pagkakakilanlan ng biktima, pati na rin ang salarin at motibo sa likod ng pamamaril.
(📷: CSPPO)
#RagayCamSur #CamarinesSurNews #RagayMPS #CSPPO #CrimeNewsPH #BicolNews
View original post