𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗕𝗔𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟

Oct 12, 2026, 7:17 PM

𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗕𝗔𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 Pinagbabaril ang isang media personality sa Barangay San Roque, Daraga, Albay pasado alas-4:00 ng hapon ngayong Oktubre 12. Kinilala ng Daraga Philippine National Police (PNP) ang biktima na si Adrian Nacion Loterte, mas kilala bilang "Golden Boy" na isang reporter ng RBN News Television. Ayon sa inisyal na ulat, pinagbabaril umano ang biktima habang nagbabantay sa kanilang bakery. Agad na isinugod sa ospital si Loterte, bagama't patuloy pang inaalam ang kaniyang kasalukuyang kalagayan. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa likod ng nasabing krimen. (📷: Daraga MPS) #DaragaAlbay #AlbayNews #JournalistAttacked #MediaPersonality #RBNNewsTV #GoldenBoy #DaragaPNP
View original post