Sunog sa Brgy. San Felipe, Naga City, Mabilis na Naapula ng BFP
Oct 1, 2026, 1:43 PM
Sunog sa Brgy. San Felipe, Naga City, Mabilis na Naapula ng BFP
Isang sunog ang inaksyunan at naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Padre Garcia St., Matiway, Brgy. San Felipe, Naga City.
Ayon sa isang netizen, sumiklab ang apoy sa mismong harapan ng kanyang shop na kasalukuyan pa namang ipinapaayos. Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan at sanhi ng nasabing insidente.
Mariin namang nagpapaalala ang BFP sa publiko na mag-doble ingat upang iwas-sunog: regular na suriin ang mga electrical connection, iwasan ang pag-ooverload ng mga outlet, at laging siguraduhing walang naiiwang nakasinding appliances o kalan sa bahay man o establisyimento.
(Video mula kay Nikki Mae Bonite)
#NagaCity #SunogNaga #BFP #FireSafety #SanFelipeNagaCity #NagaNews #BicolNews
View original post