DENGUE ALERT: KITI-KITI NG DENGUE MOSQUITO, NAMATAAN SA 5 BARANGAY SA CAMALIGAN

Sep 30, 2026, 6:16 PM

DENGUE ALERT: KITI-KITI NG DENGUE MOSQUITO, NAMATAAN SA 5 BARANGAY SA CAMALIGAN Nagtaas ng Dengue Alert ang Municipal Health Office (MHO) ng Camaligan matapos makita ang mga Aedes aegypti larvae o "kiti-kiti" sa mga stagnant water na nakolekta mula sa limang barangay sa bayan. Kabilang sa mga nakitaan ng potensyal na pamumugad ng mga lamok na nagdadala ng Dengue ay ang mga barangay ng Dugcal, Sua, San Roque, San Francisco, at San Juan/San Ramon. Dahil dito, mahigpit na umaapela ang MHO sa mga Camaligueño na ugaliin ang araw-araw na "Search and Destroy" o ang paghanap, paglinis, at pagtakip sa mga lugar at kagamitan na naiipunan ng tubig tulad ng mga lumang gulong, lata, timba, at baradong kanal. (Courtesy: MHO Camaligan) #DengueAlert #MHOCamaligan #Camaligan #SearchAndDestroy #DenguePrevention #BicolNews
View original post