VIRAL: DALAWANG LALAKI, NAGSUNTUKAN SA BALINTAWAK STREET, NAGA CITY

Sep 30, 2026, 5:56 PM

VIRAL: DALAWANG LALAKI, NAGSUNTUKAN SA BALINTAWAK STREET, NAGA CITY Huli sa camera ang naging mainit na suntukan ng dalawang lalaki sa bahagi ng Balintawak Street, Barangay Lerma, Naga City. Sa isang video na ibinahagi online ni Naga City Councilor Areiz Macaraig, makikitang nagkagirian at nagkasakitan ang dalawa habang nakapalibot ang ilang kalalakihan. Makalipas ang ilang segundo, maagap naman silang inawat ng mga saksi sa lugar upang hindi na lumala pa ang tensyon. Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng nasabing iringan. #NagaCity #BalintawakStreet #BarangayLerma #NagaNews #BicolNews #Bicolandia
View original post