CamSur, isasailalim sa state of calamity dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue
Sep 28, 2026, 5:06 PM

CamSur, isasailalim sa state of calamity dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue
Naaalarma na si Camarines Sur Gov. LRay Villafuerte sa patuloy na pagtaas ng dengue sa probinsya kung saan umabot na sa 1,233 ang kaso at 18 ang naitalang patay mula Enero hanggang Setyembre.
Dahil dito, nasa 'red alert' na ang buong lalawigan at nakatakdang isailalim sa state of calamity. Layunin nitong mapabilis ang paggamit ng calamity fund ng mga LGU upang agarang matugunan at mapuksa ang pagkalat ng nakamamatay na sakit.
#DengueAlert #CamarinesSur #StateOfCalamity #LigtasCamSur
View original post