PSSg. Noli Miraña, naghahanda na para sa kanyang myoelectric prosthetic hand

Sep 28, 2026, 4:56 PM

PSSg. Noli Miraña, naghahanda na para sa kanyang myoelectric prosthetic hand Bumisita si Police Staff Sergeant Noli Miraña sa University of the East – Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERM) upang maghanda para sa pagkakabit ng isang myoelectric prosthesis, matapos ang malalang pinsalang natamo niya sa pagtupad sa kanyang tungkulin. Matatandaang naputulan ng kaliwang kamay si Miraña matapos siyang tagain ng isang lalaking nag-aamok sa Zone 1, Barangay Calalahan, San Jose, Camarines Sur noong nakaraang Agosto 22. Bago ang insidente, sinubukan ng mga pulis na kausapin at pakalmahin ang suspek ngunit bigla itong sumugod. Natumba si Miraña at inatake, na nagresulta sa matitinding sugat sa kanyang mukha at pagkakaputol ng kanyang kaliwang kamay. Agad namang pumigil ang kanyang mga kasamahang pulis upang ihinto ang pag-atake. Nauna nang sumailalim sa operasyon si Miraña sa Bicol Medical Center kung saan sinubukan ng mga doktor na idugtong muli ang naputol niyang kamay. Sa kanyang pagbisita sa UERM, sinamahan siya nina Congressman Arnie Fuentebella, Mayor Jerold Peña, at iba pang lokal na opisyal. Nauna nang nangako si Cong. Fuentebella na patuloy na magbibigay ng tulong at suporta hanggang sa tuluyang gumaling ang magiting na pulis. 📸 Courtesy kay Jerold Peña #NoliMirana #SanJoseCamSur #MyoelectricProsthesis #SerbisyongTama #PulisNgBayan
View original post