RED ALERT SA CAMARINES SUR DAHIL SA DENGUE; 18 PATAY
Sep 28, 2026, 4:22 AM

RED ALERT SA CAMARINES SUR DAHIL SA DENGUE; 18 PATAY
Isinailalim sa Red Alert ang buong probinsya ng Camarines Sur simula Setyembre 27, 2026, matapos pumalo sa 1,233 ang kaso ng dengue na kumitil na ng 18 buhay.
Nangunguna sa may pinakamaraming kaso ang mga bayan ng Bato (152), Nabua (123), at Pili (110). Ang Bato rin ang nakapagtala ng pinakamaraming nasawi na umabot sa lima.
Bilang aksyon, naka-24/7 na ang operasyon ng mga Emergency Operations Center at nagbukas ng "Dengue Fast Lanes" sa mga pampublikong ospital para sa mabilisang gamutan. Maaaring tumawag sa 24/7 hotlines ng probinsya sa 0998-576-2071 at 0998-576-2072 para sa medical assistance.
Mahigpit na pinapayuhan ang mga residente na ugaliin ang 4S Strategy, makiisa sa araw-araw na "Alas Kwatro Kontra Mosquito" clean-up drive, at magpakonsulta agad sa pinakamalapit na pagamutan kung makaranas ng malalang sintomas tulad ng pananakit ng tiyan, walang tigil na pagsusuka, o pagdurugo.
View original post