BALITA | BATA, BIGLAANG SINUNTOK NG HINDI NAKIKILALANG LALAKI SA PALENGKE; SUSPEK, PINAGHAHANAP!

Sep 26, 2026, 11:23 PM

BALITA | BATA, BIGLAANG SINUNTOK NG HINDI NAKIKILALANG LALAKI SA PALENGKE; SUSPEK, PINAGHAHANAP! Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang pinaghahanap ngayon matapos umanong biglang lumapit at manuntok ng isang bata sa loob ng pamilihan bago mabilis na tumakas. Ayon sa pahayag ng magulang ng biktima, nagulat na lamang sila sa biglaang pananakit ng suspek sa kanyang anak. Laking takot at pangamba ng pamilya dahil maaari umanong mas malala pa ang nangyari kung nagkataong may dalang patalim ang lalaki. Nai-report at napa-blotter na sa mga awtoridad ang nasabing insidente. Nananawagan ngayon ang pamilya sa publiko na makipag-ugnayan agad sa kanila o sa mga pulis kung may nakakakilala sa suspek upang matukoy ang pagkakakilanlan nito at hindi na makapamerwisyo o makapanakit pa ng ibang tao. Hinihikayat ang lahat na i-share ang impormasyong ito para sa kaligtasan ng publiko. šŸ“· Courtesy: Eva Marie Batifora #PublicAwareness #CrimeAlert #NewsUpdate #LigtasPilipinas #Balita
View original post