29-ANYOS NA LALAKI, ARESTADO SA DRUG BUY-BUST OPERATION SA BASUD, CAMARINES NORTE
Sep 26, 2026, 11:03 PM

29-ANYOS NA LALAKI, ARESTADO SA DRUG BUY-BUST OPERATION SA BASUD, CAMARINES NORTE
BASUD, CAMARINES NORTE — Timbog ang isang 29-anyos na lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 3, Brgy. Matnog, Basud, Camarines Norte bandang alas-9:55 ng gabi nitong Setyembre 21, 2026.
Sa pangunguna ng Basud Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ni Acting Chief of Police, PMAJ Flory Jane C. Consuelo, nakumpiska mula sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu. Tumitimbang ito ng humigit-kumulang 3.09 gramo na tinatayang may street market value na ₱21,012. Narekober din sa operasyon ang ₱500 buy-bust money.
Naging matagumpay ang nasabing operasyon sa pakikipagtulungan ng Provincial Drug Enforcement Unit, Camarines Norte Provincial Intelligence Unit, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
📷 Cam Norte PPO
#Basud #CamarinesNorte #BuyBustOperation #WarOnDrugs #PNPCAmarinesNorte #PDEA #AntiIllegalDrugs
View original post