KASO NI TEACHER JAO, PINAIMBESTIGAHAN SA NAPOLCOM REGION 5
Sep 26, 2026, 9:15 AM

KASO NI TEACHER JAO, PINAIMBESTIGAHAN SA NAPOLCOM REGION 5
Inatasan ni NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan ang NAPOLCOM Region 5 na magsagawa ng mabilis at patas na imbestigasyon sa vehicular incident sa Naga City na ikinasawi ni Teacher Jao Francis Mancera.
Layon nitong busisiin ang naging paunang imbestigasyon ng lokal na pulisya upang masagot ang mga katanungan ng publiko. Mahigpit na babala ni Calinisan, walang kukunsintihing pagtatakip, palakasan, o procedural lapses sa paghawak ng kaso upang matiyak ang hustisya para sa pamilya ng biktima.
#JusticeForTeacherJao #NagaCity #NAPOLCOM #TeacherJao #BicolNews
View original post