No. 1 Most Wanted ng Donsol, Arestado sa Kasong Rape

Sep 26, 2026, 6:43 AM

No. 1 Most Wanted ng Donsol, Arestado sa Kasong Rape Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Donsol Municipal Police Station (MPS) at Sorsogon Police Provincial Office (PPO) si alyas "Anton," ang No. 1 Most Wanted Person ng Donsol, nitong umaga ng Setyembre 25, 2026. Nahaharap ang suspek sa mga sumusunod na kaso: * Qualified Rape of a Minor – Walang inirekomendang piyansa. * Rape through Sexual Assault (2 counts) – P200,000 na piyansa para sa bawat bilang. Nasa kustodiya na ng Donsol MPS ang akusado para sa tamang disposisyon. Ayon kay Regional Director PBGen Randy Glenn Silvio, ang matagumpay na operasyon ay magbibigay-daan upang makamit ng biktima ang hustisya at tuluyang mapigilan ang suspek sa paggawa ng karagdagang krimen.
View original post