NIGHT ENFORCEMENT LABAN SA MAIINGAY AT MAUSOK NA TAMBUTSO, IKINASA SA NAGA CITY
Sep 25, 2026, 3:08 PM

NIGHT ENFORCEMENT LABAN SA MAIINGAY AT MAUSOK NA TAMBUTSO, IKINASA SA NAGA CITY
NAGA CITY — Sa direktiba ni Mayor Leni, mahigpit na ipinatupad ng lokal na pamahalaan kagabi ang ordinansa laban sa mga sasakyang may maiingay (maribok) at mausok na tambutso sa mga barangay ng San Felipe at Pacol.
Pinangunahan ang nasabing "night enforcement operation" ng Naga City Environment and Natural Resources Office (ENRO) sa pamumuno ni Mr. Marvin Sagun. Naging katuwang ng ENRO sa operasyon ang Philippine National Police (PNP), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Public Safety Office (PSO), at ang mga Barangay Environmental Enforcers ng San Felipe at Pacol.
Ayon sa mga awtoridad, ang hakbang na ito ay hindi lamang pagpapatupad ng ordinansa ng lungsod kundi direktang aksyon din sa mga reklamong ipinaabot ng mga residente sa pamamagitan ng MyNaga App.
Nagpaabot naman ng paalala ang lokal na pamahalaan sa lahat ng mga motorista na maging responsable at irespeto ang katahimikan ng komunidad.
#DisipliNAGA #NAGAistheHEART
CourtesyNoreenSanLuis
View original post