JUST IN: Pagpapaliban sa Barangay at SK Elections, pormal nang nilagdaan ni Pangulong Marcos
Sep 25, 2026, 12:34 PM
JUST IN: Pagpapaliban sa Barangay at SK Elections, pormal nang nilagdaan ni Pangulong Marcos
Kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro na pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang panukalang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sanang gaganapin ngayong Nobyembre.
Ayon kay Castro, naging batayan ng Pangulo sa paglagda ng batas ang napakahalagang papel ng mga lokal na opisyal sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa. Ipinaliwanag niyang sa antas ng barangay nagsisimula ang epektibong pagsugpo sa krimen, at sila rin ang pangunahing inaasahan sa mabilis na pagtugon sa panahon ng mga kalamidad at pagbaha.
Binigyang-diin pa ng opisyal na mas kailangan ngayon ang tuloy-tuloy na kilos at serbisyo ng mga kasalukuyang opisyal ng barangay upang hindi maantala ang pagtulong sa kanilang mga nasasakupan.
#BSKE #BSKEPostponement #BarangayElections #SKElections #NewsUpdatePH #PhilippineNews
View original post