WALANG KASING SAKIT ANG MAWALAN NG ANAK

Sep 24, 2026, 5:05 PM

WALANG KASING SAKIT ANG MAWALAN NG ANAK LIBMANAN, CAMARINES SUR— Labis ang paghihinagpis ng isang pamilya sa bayang ito matapos bawian ng buhay ang kanilang 13-anyos na anak na binatilyo dahil sa komplikasyon ng dengue. Kasalukuyang nakaburol ang labi ng binatilyo sa isang barangay sa kalapit-bayan ng Cabusao, Camarines Sur. Ayon sa ina ng biktima, September 14 nang magsimulang makitaan ng mga sintomas ng dengue ang bata, tulad ng mataas na lagnat, matinding panghihina, at pananakit ng ulo. Dinala at nai-admit ang binatilyo sa Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center (BRGHGMC) sa Cabusao kung saan nakumpirmang positibo ito sa nasabing sakit. Bagamat naipagamot, mabilis na lumala ang kaniyang kondisyon hanggang sa tuluyang bawian ng buhay noong Linggo, September 20. #DengueAlert #CamarinesSurNews #BicolNews #HealthAwareness #DengueWarning #NewsUpdate
View original post