TRICYCLE AT MINI-BUS, NAGKABANGGAAN SA JUBAN
Sep 23, 2026, 8:28 AM

TRICYCLE AT MINI-BUS, NAGKABANGGAAN SA JUBAN
Sugatan ang ilang indibidwal matapos magkabanggaan ang isang tricycle at mini-bus sa Brgy. Lajong, Juban, Sorsogon nitong Lunes ng hapon, Setyembre 21, 2026.
Agad na rumesponde ang Juban MDRRMO Team Alpha bandang 4:40 p.m. Dalawang pasyente ang kanilang nilapatan ng paunang lunas at dinala sa Irosin District Hospital, habang dalawa pang biktima ang inalalayan ng BFP-EMS. Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga pasyente alinsunod sa Data Privacy Act.
Para sa mga emergency, maaaring tumawag sa 911 o makipag-ugnayan sa Juban MDRRMO sa 0918 304 3502.
šø Photos: Juban MDRRMO
#JubanSorsogon #Aksidente #JubanMDRRMO #BalitangLokal #RoadSafety
View original post