DENGUE CASES SA RINCONADA, PATULOY ANG PAGTAAS; MGA OSPITAL, HALOS PUNO NA

Sep 23, 2026, 6:48 AM

DENGUE CASES SA RINCONADA, PATULOY ANG PAGTAAS; MGA OSPITAL, HALOS PUNO NA Nakapagtala ng 132 na bagong kaso ng dengue sa limang ospital sa Rinconada District mula Setyembre 13 hanggang 19, na nag-iwan sa 111 na pasyenteng kasalukuyang naka-admit. Dahil sa patuloy na pagdami ng kaso, nasa 24 na kama na lamang ang bakante sa buong distrito as of September 21. Estado ng mga Ospital: * Full Capacity (Wala nang bakante): Villanueva-Tanchuling Maternity and General Hospital (Iriga City) at Medical Mission Group Hospital (Nabua). * May limitadong bakante: Our Lady of Mediatrix Hospital (1 semi-private bed), CHMSC Lourdes Hospital (8 beds), at Sta. Maria Josefa Hospital Foundation (15 beds). Pinakamaraming pasyenteng naitala ay mula sa Nabua (47 kaso) at Iriga City (31 kaso), na sinundan ng Bato (26) at Baao (14). Mahigpit na pinapaalalahanan ang mga residente na ugaliin araw-araw ang "Search and Destroy"—linisin at alisin ang mga naiipong tubig na maaaring pamugaran ng mga lamok upang mapigilan ang tuluyang pagkalat ng dengue sa komunidad. Source: Baao RHU/Dengue Case Report – Philippine Integrated Disease Surveillance and Response (PIDSR) #Rinconada #DengueCases #IrigaCity #Nabua #Bato #Baao
View original post