Nanindigan si Camarines Sur 3rd District Rep. Nelson Legacion na pawang katotohanan at may matibay na basehan ang kan...
Sep 22, 2026, 1:27 PM

Nanindigan si Camarines Sur 3rd District Rep. Nelson Legacion na pawang katotohanan at may matibay na basehan ang kanyang mga naging pahayag laban sa pamahalaang panlalawigan.
Ito ay kasunod ng pagsampa ng disbarment at cyber libel cases ni Gobernador LRay Villafuerte laban sa kongresista. Kilalang kritiko ng Kapitolyo si Legacion pagdating sa mga malalaking isyu sa probinsya, tulad ng Andaya Highway, CASURECO III franchise, at ang paghingi ng tamang kompensasyon para sa mga apektadong may-ari ng lupa at magsasaka sa Naga Airport reorientation at CamSur Uptown Project.
Ayon kay Legacion, ang mga patong-patong na kaso ay isa umanong hakbang upang patahimikin ang mga taong naninindigan at nagtatanggol sa karapatan ng mga magsasaka at ordinaryong mamamayan.
#CamarinesSur #CamSurNews #NelsonLegacion #LRayVillafuerte #LokalNaBalita
View original post