🚨 š—Ÿš—”š—Ÿš—”š—žš—œ, š—£š—”š—§š—”š—¬ š— š—”š—§š—”š—£š—¢š—¦ š—§š—”š— š—”š—”š—” š—”š—š š—žš—œš——š—Ÿš—”š—§ š—¦š—” š—Ÿš—˜š—šš—”š—­š—£š—œ

Sep 21, 2026, 7:36 PM

🚨 š—Ÿš—”š—Ÿš—”š—žš—œ, š—£š—”š—§š—”š—¬ š— š—”š—§š—”š—£š—¢š—¦ š—§š—”š— š—”š—”š—” š—”š—š š—žš—œš——š—Ÿš—”š—§ š—¦š—” š—Ÿš—˜š—šš—”š—­š—£š—œ Patay ang isang 27-anyos na lalaki matapos itong tamaan ng kidlat sa Barangay Bigaa, Legazpi City, Albay ngayong hapon, Setyembre 21, 2026. Ayon sa Legazpi City Police Station, ang biktima ay residente ng kalapit-bayan na Sto. Domingo, Albay. Nangyari ang malagim na insidente habang nangingisda ang lalaki kasama ang ilang kasamahan sa lugar. Bago pa man ang trahedya, nauna nang naglabas ng abiso ang Legazpi City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) kaugnay ng nararanasang malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at pagkulog sa lungsod. Sa ngayon, patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang buong detalye ng insidente. šŸ“· Photo: SNB TV #LegazpiCity #AlbayNews #LightningStrike #WeatherAlert #BalitangProbinsya #BicolNews
View original post