BALITA: Kapatid ni Kim Chiu na si Lakam Chiu, inaresto dahil sa 124 counts ng qualified theft
Sep 21, 2026, 12:29 PM

BALITA: Kapatid ni Kim Chiu na si Lakam Chiu, inaresto dahil sa 124 counts ng qualified theft
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Lakambini “Lakam” Chiu, ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Kim Chiu, matapos itong maaresto noong Setyembre 20 sa Mandaluyong City.
Batay sa warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 84, nahaharap si Lakam sa 124 na bilang ng kasong qualified theft. Kasabay ng mga ulat na ito ay ang paglabas din ng kanyang mugshot.
Pansamantalang makakalaya si Lakam kung makakapagbayad ito ng piyansang itinakda ng korte na nagkakahalaga ng P5.838 milyon.
#LakamChiu #KimChiu #BalitaPH #NewsUpdate #QualifiedTheft #PhilippineNews
View original post