GURO NG CAMSUR NATIONAL HIGH SCHOOL, NASAWI MATAPOS MABANGGA SA NAGA CITY

Sep 21, 2026, 11:28 AM

GURO NG CAMSUR NATIONAL HIGH SCHOOL, NASAWI MATAPOS MABANGGA SA NAGA CITY NAGA CITY — Patay ang isang guro ng Camarines Sur National High School matapos masalpok ng isang kotse habang tumatawid sa pedestrian lane sa M.T. Villanueva Avenue, pasado 12:40 ng madaling araw nitong Setyembre 20. Ayon sa Naga City Police Office (NCPO), tumilapon ang biktima dahil sa lakas ng pagkakabangga ng sasakyang minamaneho ng isang negosyanteng taga-Camaligan. Isinugod pa sa ospital ang guro upang gamutin subalit binawian din ito ng buhay. Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa drayber. Muli namang nagpaalala ang NCPO sa mga motorista na laging mag-ingat at sumunod sa batas-trapiko. #NagaCity #CamSurNews #BicolNews #RoadAccident #CamarinesSurNationalHighSchool #NagaCityPolice
View original post